Very symbolic sa akin ang inidoro.
When I see an inidoro, which I do everyday, tatlong bagay ang
naalala ko.
Una ay ang Nanay ko. Tanda ko pa ang unang araw na dinala nya ako sa
bahay ng kanyang amo na si Señora Cazzaniga? I was really
shocked when I entered the toilet “nakita ko sya na nakaluhod sa bowl “.
That scene really broke my heart, realizing na ganun pala kahirap ang ginagawa niya para lang mabigyan kami ng maganda at maayos na buhay. Hindi lamang tatlong bahay sa isang araw ang pinupuntahan nya. Labindalawa na inidoro ang nililinis nya araw araw. Ang sarap ng buhay ko sa Pilipinas, yun pala ang nanay ko ang hirap ng pinagdadaanang sitwasyon. It really pained me but to my nanay, salamat. “I know that you sacrificed a lot and I wouldn’t be where I am now kung di ko nakita sa aking mga mata na ilang beses kang lumuluhod di lamang para ipagdasal kami pero pati maglinis ng inidoro ng ibat ibang tao”.
Pangalawa, ‘di ko lang nakita ang nanay na naglilinis ng inidoro, I experienced
it myself.
Kararating ko lang nang biglang na stroke father ko at si nanay
kailangang umuwi sa Pilipinas for a year. Automatic na fully-booked ang buong
araw ko dahil sinambot ko lahat ang trabaho nya. Meaning ako pumalit naglinis
araw- araw ng labindalawang kubeta at inidoro from Monday to Saturday.
Umiiyak ako habang naglilinis ng inidoro. Umiiyak hindi dahil
naglilinis ako ng inidoro (or kasama na
din yun), but dahil nadudurog ang puso ko kasi sa bawat kuskos ko ng inidoro, naalala ko ang
nanay ko, ang hirap at ang sakripisyo nya para sa amin.
I knew I would suffer the same fate in Italy if I did not work hard.
I told myself, “This should stop”. I
promised myself na hindi ko pababayaang maglinis din ng labindalawang inidoro
ang anak ko, ang anak ng kapatid ko at iuuwi ko pabalik ng Pilipinas ang aking
mga magulang at kapatid.
Yung inidoro ang naging turning point ng buhay ko. It pushed me to
work hard and made me think of the many POSSIBILITIES in my life. I knew there
was a reason why I experienced everything in the past and I knew I could do
something betters to help my family and other Filipinos in Milan.
Nagsikap ako and I succeeded.
Unti-unti nag pa part-time nalang ako sa pag lilinis ng bahay nang pinalad
na makapasok sa banco. Sa umaga tagalinis at sa hapon naman sa banco ako nag
tatrabaho. Hanggang sa dumating ang real estate sa buhay ko at dito ako
nagsimula ng pakikibaka upang di na muling maglinis ng labindalawang inidoro
ang sinuman sa pamilya ko.
Ngayon pag naiisip ko what me and my family had gone through, naiiyak
ako kasi I felt so blessed na naiuwi ko ang aking nanay at kapatid sa Pilipinas.
My niece is a scholar in Bocconi, the most expensive business school in Italy
and my daughter is now studying in Brent. I won my battle but it doesn’t end in
my family. Rather, It is just the beginning of a much bigger fight for the
families of other people.
Now that I am already an empowered overseas Filipino worker,
whenever there is an occasion or opportunity to UNITE other OFWs, I proudly
share my story of inidoro and how my white inidoro turned into a golden inidoro
of my life. Because of my story, now I have the power to help not only
Filipinos abroad but also share our blessing to the poor Filipinos here in the
Philippines. While earning millions, I also hope to help millions of my
kababayans.
By Emelia Cudiamat-Lim
No comments :
Post a Comment